Warning: Violence

Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok. Pinapakalma ang sarili. Fuck. I **ed up again.

Umayos ako ng upo na hindi alintana ang kaba. Kinakabahan ako. Hindi dahil paparusahan na naman ako ng school kung hindi dahil kay Daddy dahil paniguradong mapapagalitan na naman ako.

”Well wait for your mother to come. Mag-ayos muna kayo. ” Our Discipline Officer said. Naka taas na naman ang kilay niya sa akin at paniguradong pinapaulanan na ako ng hate-thoughts sa utak niya. Wala naman akong pakeelaman.

Umayos nalang ulit kami ng upo at inayos ko pa ng maigi ang buhok kong hanggang balikat lang. Sinuklay ko ito at bumuntong hininga nang maramdaman ang sakit galing sa buhok na nagkanda buhol buhol dahil kanina.

Umupo ang officer at kinuha ang makapal na notebook na naglalaman ng listahan ng mga pangalan na kung bibilangin, ang pangalan ko ang nangunguna sa dami.

Halos hindi na nga nagulat ang officer nang madatnan ako dito kanina ngunit ang kaba sa dibdib ko ay hindi nagbabago kahit ilang beses pa akong mapaaway. Hindi ako kailanman masasanay. Madi-dissapoint ko na naman si Daddy. Pagagalitan na naman niya ako.

Hindi na kami naghintay pa ng matagal dahil dumating naman na agad ang hinihintay namin, Si Mommy. Mag-isa lang siya na naglakad papunta sa amin. Naka suot siya ng itim na mahabang dress. Sleeveless ito ngunit makikita mo parin ang pagka elegante.

Tumango siya kay Miss Guzman at umupo siya sa silya sa harapan ko. Tumingin ulit ako sa pintuan at nang mapag tantong wala nga ang hinahanap ko ay bumaling ako kay mommy.

”Wheres tita Felice? ” I mouthed

Tinaasan ako ng kilay ni Mommy bago sumagot. ”Parating na. May inayos lang. ” she casually said and turn her gaze to face Miss Guzman.

Timingin ako sa katabi ko. I asked him about his mother, he said the same thing.

Umayos ng upo si Miss Guzman at nag umpisa nang kausapin si Mommy. ”Good afternoon, Mrs. Ylarez, ” inilahad niya ang kamay niya na agad namang sinalubong ni Mommy.

”Good afternoon, Miss Guzman. Whats the problem with my daughter again? ”

Tumingin muna sa amin ang officer bago bumaling sa malaking notebook na sinulatan niya kanina. Nag salita siya habang naka tingin parin sa notebook na yon, ”She and her schoolmate, Caelus, bullied 3 girls… ” Tumingin ulit siya sa amin at sabay pa kaming napangiwi nang ituloy niya.

”Pinagtulungan nilang dalawa ang tatlong babae at hindi pa nakuntento… pinagtutulungan nila sa CR at binuhusan ng maruming tubig. ”

Nang bumaling ako kay Mommy ay napa ngiwi na rin siya. Mag sasalita na sana ako nang may biglang kumatok. Pinatunog ko ang mga daliri ko nang lumakas ang tibok ng dibdib ko dahil hindi agad ako makapag explain. Tangina.

Tinitigan lang ako ni Mommy habang inaasikaso naman ni Miss Guzman ang kumatok. Hindi siya nag sasalita o ano man. Shes just staring at me blankly.

Mas lalo akong kinabahan doon. Kahit ipapaliwanag ko naman ang sarili ko mamaya ay kinakabahan ako. Takot ako sa sasabihin ni Daddy ngunit mas takot ako sa iisipin ni Mommy!

”Dane… ” agad akong napabaling sa nagsalita. Napangiti ako nang nakita ko si tita Felice. Naunang maupo si Miss Guzman at lumakad naman papunta sa amin si tita Felice.

Nakasuot siya ng mahabang pink na dress na may mahabang sleeves na floppy. Inilagay niya sa unahan niya ang white pouch niya at umupo sa tabi ni Mommy. I really like her aura, she looks nice unlike mom who often wear black dress that makes her look intimidating.

Kasabay niya ay ang isang matangkad na babae na naka white dress at long sleeve rin. Unlike tita Felice sleeve na floppy, ang dress niya naman ay kita ang cleavage at ang umpisa ng manggas ay sa ibaba ng balikat.

Ngumiti si tita Felice sa akin ngunit mababakas ang kaguluhan sa kanyang mga mata. ”Whats this all about, hija? ” She asked.

When I called mom, I was about to call tita Felice after but it turns out they
e in the same place so I asked mom na isama si tita Felice. Mabuti nga at sumama kahit alam kong busy rin siya.

Bumuntong hininga ako at handa nang ipaliwanag ang sarili. I look at the boy beside me, hes talking to his mother. Lumingon ako kay Miss Guzman na handa na ring makinig kaya nag umpisa na ako.

”Kaninang lunch break, hinahanap ko si Fey… ” Lumingon ako kay tita Felice. Nag salubong ang payapa niyang kilay. ”Hindi ko siya mahanap kaya akala ko, nasa library lang siya kaya nag lunch akong mag-isa… ” Bumuntong hininga ulit ako nang maalala ang nangyari kanina.

Masarap ang kain ko nang mga oras na iyon dahil paborito ko ang ulam na nakahain hanggang sa may lalaking lumapit sa akin. Pawisan siya at halatang nag mamadali.

Inilagay niya ang mga kamay sa tuhod at hinihingal na bumaling sa akin. Agad ko siyang pinag taasan ng kilay. Anong problema nito?

”Dane… ” Hinihingal niyang tawag sa akin na pinagtaasan ko lang ng kilay. ”Dane, si Fey pinagtutulungan ng tatlong babae! ” natatarantang dagdag niya na agad nag pataranta sa akin.

Agad akong napatayo at agad nilamon ng kaba. ”Nasaan? ” nag mamadali kong tanong sa lalaking hindi ko kilala.

Hindi niya ako sinagot at tinignan lang, agad siyang tumakbo na parang sinasabing sumunod ako. Wala kong pag aalinlangang iniwan ang masarap na pagkain sa lamesa at kinuha ang bag ko upang sundan ang lalaki.

Wala akong iniisip habang tumatagbo kung hindi ang kaibigan ko, inis sa sarili dahil ko siya hinanap agad at inis sa mga taong iyon! Napabaling ako sa lalaking tumatakbo rin sa direksyong tinatahak ko. Napakunot ang noo ko ngunit hindi ko na siya pinansin at binilisan ang takbo.

Nilamon ako ng galit nang makita ang kalagayan ng kaibigan ko nang nakarating na kami sa lugar. Nahaharangan ito ng dalawang building at likod ng garden kaya bibihira lang ang may dumaan dito.

Naabutan ko ang kaibigan ko na naka upo habang basang basa dahil sa mga nabasag na itlog at flour na ibinuhos sa kanya na malamang ay kinuha sa TLE Room! Rinig na rinig ang mala demonyong tawanan ng tatlong babae habang patuloy siyang binabato ng mga itlog.

Agad akong sumugod sa babaeng nasa gitna na handa na sanang mag bato ng panibagong itlog sa kaibigan ko nang hablutin ko ang itlog sa kamay niya at binasag ito sa muka niya.

Agad ko siyang itinulak at sinampal. Malakas ang sampal ko kaya rinig na rinig ito. Natanaw ko naman ang lalaking nag sumbong sa akin kanina na inaalo ang halos basang sisiw na kaibigan ko.

Sinampal ko ulit ang babaeng hawak ko. Basa na ang muka niya dahil sa itlog na binasag ko rito ngunit nakukulangan ako! Nagtilian sila at tatakas sana ang dalawa nang harangin ito ng lalaking sumabay kanina.

Kumunot ulit ang noo ko dahil sa kanya ngunit wala na akong oras para pag-isipan iyon. He pushed the girl who tried to ran away and pull the other one. Tinulak niya ito papunta sa sulok kaya dinala ko roon ang babaeng hawak ko nang may maisip. Hinila ko siya gamit ang buhok niya at hinatak ang isang babae sa buhok na sobrang lakas tumawa kanina.

”Isunod mo yang impakta na yan sa akin! ” Utos ko sa kanya na ang tinutukoy ang ang isa pang babae. Kaya ko naman silang hatakin tatlo ngunit nag pupumiglas ang dalawang hawak ko kaya nahihirapan ako.

Sobra ang yuko ng ulo nila at pilit nilang tinatanggal ang kamay ko habang nag tititili. Hindi ko iniinda ang mga kalmot nila at winawasiwas ang mga buhok nila tuwing nasasaktan ako ng sobra.

Tinadyakan ko ang pintuan ng CR sa malapit na building at hinila papasok ang dalawang babae. Ibinalibag ko sila sa pinaka dulo. Napatingin ako sa pintuan nang may marinig akong isa pang malakas na tumitili.

Ang babaeng pinasunod ko iyon kanina na hawak ng matangkad na lalaki. Nasa likuran ng babae ang dalawang kamay niya at hinahawakan iyon ng lalaki.

Lumapit siya sa amin. Ang mga mata niya ay parang repleksyon ng mga mata ko dahil galit din ito at nanlilisik na tinitignan ang mga babae.

Hindi niya pinakawalan ang babaeng nag pupumiglas ngunit nang hinatak ko ito sa kanya ay binitawan niya agad. I smirk when one evil idea crossed my mind.

Inihagis ko ang babaeng hawak ko sa dalawa pa na nag tatangkang tumayo. Pinandilatan ko sila ng mata at umalis sa harapan nila.

”Bantayan mo yan, ” utos ko sa lalaki habang naglalakad.

Pumunta ako sa pinaka unang cubicle. Nang binuksan ko ay agad kong nakita ang hinahanap ko. Tinanggal ko ang map sa balde at nang nakitang puno ito ng maruming tubig ay agad akong napangiti.

Walang pag aalinlangan kong isinaboy sa mga muka ng tatlo iyon. Mabibigat ang paghinga ko ngunit unti unting gumagaan nang pumapasok sa isipan ko na gumaganti na ako.

Nagulat ako nang kalabitin ako ng lalaki. Iniabot niya sa akin ang isa pang timba. Kinunutan ko siya ng noo kaya agad siyang nag salita.

”Im not satisfied. Pour another one. ”

I would be lying if I say I regret doing that. I will never regret doing that. All the things I did for my friend, I will never regret doing those.

”Okay… ” Huminga ng malalim si Miss Guzman. ”Ill call their parents and Ill make sure theyll take their punishments… ” ani Miss Guzman.

Kanina pa sila nag-uusap at nagka sundo na kakausapin ang nga magulang ng tatlong babae. Wala na dito si tita Felice dahil pinuntahan niya na si Fey na nasa infirmary.

”Misis Kaela Echeveria, ” inilahad ni Miss Guzman ang kamay niya kay Kaela Echeveria, ang ina ng lalaking katulong ko kanina na si Caelus.

”Misis Dulce Ylarez, ” si Mommy naman ang kinamayan niya.

Inis kong pinunasan ang pawis na pumatak sa akin. Kinuha ko ulit ang timba na inilapag ko kanina at nagpatuloy lumakad. Papunta na ako ngayon sa storage room upang ibalik ang mga gamit na pang halaman na ginamit ko kanina.

This is one of our punishment. Ang mag bungkal ng halaman at magdilig. Halos kalahating oras din kaming naka bilad sa araw. Ako ay naatasan na sa garden mag dilig at mag bungkal habang ang kasama ko naman na si Caelus ay nandoon sa likuran ng mga building.

Hindi naman na pumapasok ang tatlong babae dahil ayun ang parusa nila. Balita ko nga ay nag transfer daw ang isa. Mabuti naman dahil ayaw ko nang makita ang pagmumuka nila!

Agad akong napahinto sa paglalakad nang may humarang sa aking batalyon. I was about to defend myself dahil akala ko ay mga kulto sila na nagbabalak na gantihan ako ngunit agad hinarang ng lalaki ang kamay niya, pinapatigil at pinapakalma ako.

”Ano mag tititigan ba tayo rito? ” Inis na tanong ko.

Ang sabi niya ay may sasabihin daw siya ngunit hanggang ngayon ay hindi parin siya nag sasalita ay panay baling sa mga taong nasa likuran niya na may hawak na malalaking placard at ngiting ngiting naka tingin sa amin.

Pagod ako kakabungkal ng lupa. Kailangan ko pa bang bungkalin ang utak niya nang malaman ko kung anong iniisip niya?

”Ah… eh… ” kinamot niya ang batok niya at kagat labing tumitig sa akin. Tinaasan ko na naman siya ng kilay dahil ayokong ulitin ang tanong ko. Makuha siya sa taas ng kilay ko!

”Ahm… ”

”Kaya mo yan Breeze! ” sigaw ng mga tao sa likuran niya. Kaya niya ang ano? One thing is for sure ay hindi niya kayang magsalita.

Inis akong tinignan siya at lalagpasan na sana nang tinawag niya ulit ako. Bumuntong hininga ako at pinakalma ang sarili sa sobrang inis.

”Dane! Wait! ”

Inis akong humarap sa kanya. Kinagat ko ang dila ko upang matigil ito sa nais sabihin. Pinakalma ko muna ang sarili bago mag salita.

Ilang oras akong nabilad sa arawan at masakit pa ang likod ko kakabungkal. Nag aalala pa ako sa kaibigan ko dahil hindi ko naman nababantayan tapos haharangin niya ako na wala namang sasabihin? Nakakairita!

”Ano nga yon? ” naiiritang tanong ko.

Kanina pa kami rito at panay utal lang ang nasasabi niya! Pagod ako!

”G-Gusto… k-kita… ” Agad naman nag tilian ang nga tao sa likuran niya habang ako ay napangiwi.

”Oh anong gagawin ko? ” I asked. Ano namang gagawin ko kung may gusto siya sa akin?

Napabaling naman ako sa mga kaibigan niya sa likuran dahil sobrang tili. Kumunot ang noo ko nang binasa ang naka sulat sa placard na dala nila.

I LIKE YOU DANE

Napangiwi akong lalo nang unti unting magtayuan ang balahibo ko dahil dumadami na ang mga estudyanteng nanonood. Tangina kinikilabutan ako sa kahihiyan ha.

I rolled my eyes and step forward toward him. I don even know him, what does he want me to do?

Naka titig lang siya sa akin gamit ang malaking inosente niyang mga mata. Its like its pleading.

”G-Gusto kita, Dane… ” Ulit niya na parang hindi narinig ang tanong ko kanina. Oh, ano ngang gagawin ko?

Hindi ko gustong inuulit ang mga sinasabi ko pero ang isang ito ay nagbibingi bingihan yata. ”Oh, ano ngang gagawin ko? ”

”W-What? ”

What the **? Anong what? Im asking you! Kinunutan ko lang siya ng noo kaya nag salita ulit siya.

”I… I want you to like me back… ” Walanghiyang sagot niya na nag pangiwi sa akin ng sobra. Inilayo ko pa nga ang ulo ko at hindi makapaniwalang tinignan siya.

Ano raaaaw?

I laughed without humor. ”Look… ” Tawag ko sa kanya dahil naka kagat labi na naman siya at tinitignan ang mga kaibigan niya sa likod. ”I don like you. And… if you want me to like you back, ” I lean forward.

Bakit ko naman siya magugustuhan, e hindi ko nga siya kilala? Beside I hate public confession so much. Nakakahiya ito. This is one of the thing that I disagree the most. Its like pressuring the girl to say yes or else mag mumuka siyang masama.

”Edi sana ginayuma mo nalang ako. ”

I smiled to him sweetly and get the balde and pang-dilig ng halaman na iniwan ko kanina.

点击屏幕以使用高级工具 提示:您可以使用左右键盘键在章节之间浏览。

You'll Also Like